PHOENIX PETROLEUM PHILIPPINES MAY OIL PRICE ROLLBACK  NA

Ipapatupad na ngayong Sabado, Nobyembre 24 ang price rollback ng independent oil player na  Phoenix Petroleum Philippines sa kanilang produktong langis.

Sa advisory ng Phoenix Petroleum, ang kanilang tapyas-presyo ay  P1.10 para sa bawat litro ng gasolina at P2.20 sa bawat litro ng diesel.

Epektibo ang price adjustment ngayong alas-12:00 ng tanghali.

Inaasahan naman na susunod ang iba pang oil companies sa bansa na magbabawas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo.

4

Related posts

Leave a Comment