PASIMUNO NG SEXPOSÉ SA HOLLYWOOD, MAY MEET AND GREET!

(By KC GUERRERO)

NGAYONG araw (Sabado, Nov. 24, 2018, 1:30 p.m.), makakasalimuha at makakatalamitam ng mga ta-gahanga ang mga nagagandahang supermodels at international sensations.

Magaganap ang meet and greet na ito sa Atrium ng SM Megamall.

Kasama dito ang kakapanalo pa lang bilang 1st runner-up ng Asia’s Next Top Model na si Adela Mae Marshall.

Hosts ay ang Kapuso actor na si Matthias Rhoads at ang upcoming actress/host na si Kelley Day.

Siyempre, patok sa mga boys at mga Kapuso na tagasubaybay ng Eat Bulaga ang unang Pinay na grand winner ng Asia’s Next Top Model, si Maureen Wroblewitz.

Magsasaboy din ng kaseksihan ang reigning Century Superbod na si Maureen Montagne, ang reigning BB. Pilipinas-Eco-Tourism.

Sa mga curious na makita ang babaeng nagpasimuno ng expose tungkol sa sexploitation sa Hollywood at kay Harvey Weinstein, makikita n’yo ang Victoria Secret Model na Fil-Am, si Ambra Gutierrez.

Siguradong dudumugin ng mga kalalakihang fans ang meet at greet na pabongga ng Prima Stella Man-agement nina Rex Belarmino at Chinee Go, ang agency owner na batang version ni Gina Alajar.

Kita-kits sa Atrium, SM Megamall!

5

Related posts

Leave a Comment