GOBYERNO KINALAMPAG NG MGA NEGOSYANTE SA KIDNAPPING INCIDENTS

“AN attack on the Philippines’ peace and order is an attack on the stability of our society and our ideals as a democracy.”

Ito ang sama-samang pahayag ng iba’t ibang grupo ng mga negosyante sa Pilipinas kaugnay sa nagaganap na kidnapping incidents sa bansa kasabay pagkondena at sigaw ng katarungan para sa pinatay na negosyanteng si Anson Que o Anson Tan at sa driver nito kahit na nagbayad na ng ransom ang pamilya nito.

“With outrage and grief, we deplore with the strongest possible terms the heinous, barbaric kidnapping and brutal murders of Mr. Anson Que—a businessman, a pillar of philanthropy—and his driver, whose life was equally precious, equally sacred. And this came after the recent kidnapping of a young Chinese student in an international school and the killing of his driver.”

Sumisigaw ng katarungan ang iba’t ibang grupo ng mga negosyanteng Filipino Chinese mula sa Philippine Chamber of Commerce and industry, Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. at 30 major community & civic organizations para sa pinaslang na steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo, na kinidnap at natagpuang wala nang buhay sa Rizal.

“Sa gitna ng matinding dalamhati at galit, buong lakas naming kinokondena ang karumal-dumal, ‘di makataong pagdukot at brutal na pagpatay kina Anson Que—isang negosyanteng may bisyon, haligi ng pagkakawanggawa—at sa kanyang drayber na si Armanie Pabillo, na ang buhay ay kasing halaga, kasing dalisay, at kasing dakila.

Ang karahasang ito ay hindi lamang isang krimen—ito ay pagyurak sa kaluluwa ng ating bayan, isang malupit na pagsira sa dangal ng sangkatauhan, at isang hayagang pagsalungat sa mga batayang prinsipyo ng katarungan, kagandahang-asal, at kapayapaan na siyang bumubuklod sa atin bilang lipunan,” ayon sa business groups na kinabibilangan ng PCCI, Philippine Exporters Confederation or PhilExport at FFCCCII.

Nagbabala pa ang mga negosyante sa matinding epekto ng nagaganap na mga krimen sa hanay ng mga mamumuhunan o investor maging sa turismo na pinangangambahang malulugmok at ang mga pamilya na natutulog na may takot at pangamba sa gabi.

“Nananawagan kami ng muling pagtindig ng batas—hindi sa pamamagitan lamang ng pananalita, kundi sa kongkreto at sistematikong reporma. Bigyan ng sapat na kagamitan, pagsasanay, at pananagutan ang ating mga tagapagpatupad ng batas.

Lipulin ang kultura ng kawalang-parusa na nagpapalakas ng loob sa mga kriminal. Ibalik ang tiwala ng taumbayan sa ating mga institusyon—sa pamamagitan ng gawa, hindi salita—na sa ilalim ng batas, walang sinoman ang higit o exempted. Ang kaligtasan ng bawat mamamayan, bawat dayuhang bisita, bawat batang naglalaro sa lansangan—mula Batanes hanggang Tawi-Tawi—ay dapat ituring na sagrado at hindi maaaring talikuran,” dagdag pa nila.

“Let us be unequivocal: These heinous acts are not isolated incidents. They are symptoms of a festering rot that threatens to erode the foundations of our nation. When criminals believe they may kidnap and slaughter with impunity, when the innocent are sacrificed on the altar of greed and lawlessness, we are no longer merely a society in crisis—we are a society in peril. Time to act is now.”

(JESSE KABEL RUIZ)

94

Related posts

Leave a Comment