GRANULAR LOCKDOWNS PINAKAKASA SA LGUs

KAILANGANG magpatupad ang local government units ng granular o small-scale lockdown sa pagkakataon na mayroong surge ng COVID-19 cases sa kanilang lugar.

Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ay tugon sa report ng OCTA Research Group na ang COVID-19 positivity rate sa Kalakhang Maynila ay tumaas ng 5% “as of Monday,” Disyembre 27, na ang sinasabing dahilan ay pagsipa ng transmissible Omicron variant at hindi ang pagtaas ng mobility dahil sa Christmas season.

“Of course, we are getting concerned, we are getting worried, and so we call on Local Government Units (LGUs) to impose granular lockdown if there is surge in cases,” ayon kay Nograles.

“Granular lockdown has never been out of the equation. The LGUs can impose granular lockdown if they see clustering of COVID-19 cases,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Nakapagtala ang Pilipinas ng apat na kaso ng Omicron variant ng coronavirus.

Subalit, sinabi ni Nograles na ang bigat at hirap na mapigilan ang COVID-19 transmission ay hindi lamang sa gobyerno.

“Let us not let the number of COVID-19 cases increase. Prevention is a shared responsibility,” giit ni Nograles.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ang publiko na mag-ingat sa gitna ng pagtitipon-tipon ng mga pamilya at magkakaibigan ngayong holiday season.

Sa ngayon aniya ay wala pang dapat ikaalarma bagama’t may mga kaso talaga ng pagtaas ng COVID-19.

Simple lang naman aniya ang kailangang gawin at ito ay sumunod sa minimum public health standards.

Mahalaga rin aniya ang pag-iingat sa gitna ng banta ng omicron variant ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, pinag-aaralan na ng Metro Manila Council ang posibleng pagkakaroon ng vaccine mandate sa National Capital Region. (CHRISTIAN DALE)

190

Related posts

Leave a Comment