Guilty sa kasong graft 6-10 TAON KULONG KAY PICHAY

HINATULAN ng Sandiganbayan 5th Division na makulong si dating Local Water Utilities Administration Chairman Prospero Pichay Jr. at dalawang iba pa sa kasong graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Sa promulgation ng Sandiganbayan 5th Division kahapon, napatunayan na “guilty beyond reasonable doubt” si Pichay sa mga nabanggit na kaso na isinampa laban sa kanyang noong 2010.

Nag-ugat ang kaso matapos aprubahan ni Pichay ang pagpapalabas ng P1.5 millon na ginamit para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr. Cup International Chess Championship.

Si Pichay din noon ang presidente ng National Chess Federation of the Philippines

Anim hanggang 10 taong pagkakakulong ang inirekomenda kay Pichay.

Hindi na rin ito maaring humawak ng anomang pwesto sa gobyerno.

Sa kasalukuyan, si Pichay ay kinatawan ng Surigao del Sur. (CATHERINE CUETO)

172

Related posts

Leave a Comment