HANAPBUHAY SA COCONUT WASTE, ISINUSULONG NG SOLON

IKINUKONSIDERA ang puno ng niyog bilang “Tree of Life” at para sa magandang dahilan. Lahat ng bahagi ng puno ay makatutugon sa pangangailangan ng tao – tulad ng buko bilang pagkain, sabaw nito na mas mainam sa tubig dahil masustansiya, ang dahon at mismong puno puwedeng gawing bahay at marami pang iba.

Samakatuwid, nakapag-suplay ang niyog sa pangunahing pangangailangan upang mabuhay. Katunayan, kahit ang patapon na bahagi ng niyog tulad ng bunot, ay mahalaga sa buhay ng ilang tao.

Kaya dahil dito, sa pamamagitan ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o SIPAG, ginagawa ni Senador Cynthia Villar bilang kabuhayan at kita sa maraming komunidad ang patapon na bahagi ng niyog. Sa paggawa nito, nakatutulong ito sa waste management na pagkilos sa ating bansa.

“There are two-fold benefits in turning waste coconut husks into something useful, we got rid of garbage that used to litter our streets and clog our rivers and waterways. Secondly, we helped residents by providing them with livelihood and additional source of income. It’s a win-win for people and the environment,” ayon kay Villar, chairperson at Senate Committees on Agriculture at Environment.

Sinabi ng mambabatas na ginagawang coconet ng coconet weaving enterprises ang patapon na bunot ng niyog, na ginagamit naman bilang riprap materials sa construction projects upang maiwasan ang paghulas ng lupa. Binili ng Vista Land ang coconets para sa kanilang housing subdivision.

Kinuha ng manggagawa ang fiber at coco peat mula sa bunot ng niyog sa pamamagitan ng decorticating machine, na kumukuha ng fiber mula sa 8,000 bunot ng niyog kada araw.

Ginagawa naman bilang lubid ang fiber ng kababaihang manggagawa. Bawat lubid ay mayroong walong metro ang haba. Ibang grupo naman ng manggagawa ang naghahabi ng lubid at sa loob ng dalawang oras, makagagawa sila ng isang rolyo na may sukat na isang metro ang lapad at 50 metro ang haba kaya kumikita sila ng P200. Umaabot sa P2,000 ang halaga ng coconet kada rolyo.

Inihahalo naman ang coco peat at mogmog mula sa naturang makina sa household waste upang gumawa ng organic fertilizer.

“All the fertilizers produced are distributed all over the country and given free to farmers and urban gardeners. These have become in demand during the pandemic when the popularity of growing one’s food and vegetable gardening dramatically increased,” ayon kay Villar.

Lahat ng taong sangkot sa paggawa ng coconets at organic fertilizer ay nagkaroon ng maasahang kita, kaya committed na sila, ayon kay Villar.

“In coconet-weaving, it’s the decorticating machine invented by Dr. Justino Arboleda that paved the way for the production of the coconets from waste coconut husks,” ayon kay Villar.

Kanila umanong natuklasan na tanging sanhi ng pagbaha sa Las Pinas ang itinatapon na coco waste ng ilang vendor sa lugar. (ESTONG REYES)

403

Related posts

Leave a Comment