Hangga’t hindi inaayos ang tax dues – Palasyo PAGBABALIK NG ABS-CBN MALABO

MALABONG makabalik sa negosyo ang isang giant company kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso kung hindi naman nito aaregluhin ang tax dues.

“Maski na bigyan ninyo ng limang libong franchise ‘yan, hindi i-implement ‘yan… Just because you gave them franchise, it does not follow that all of their misdeeds are condoned,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

“Wala akong galit, bayaran mo lang ang gobyerno, sasaludo ako sa inyo limang beses,” dagdag na pahayag ng pangulo.

Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang nasabing kompanya subalit matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon ay ipinag-utos ng National Telecommunications Commission sa

ABS-CBN Corporation na itigil ang operasyon ng iba’t ibang TV at radio stations nito sa buong bansa alinsunod sa expiration ng legislative franchise nito.

Buwan ng Hulyo nang hindi na paboran ng mga kongresista ang pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa resolusyon ng House Committee on Legislative Franchises, iminungkahi nito na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Mula rito ay nagbotohan ang mga kasapi ng komite at 70 ang pumabor na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS- CBN habang 11 ang tutol sa mungkahi. (CHRISTIAN DALE)

147

Related posts

Leave a Comment