HATID PROBINSYA ITUTULOY SA JULY 25-26 – SEC. GALVEZ

MAGRE-RESUME ang Hatid Probinsya Program sa Hulyo 25-26.

Sinabi ni National COVID-19 Plan Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na ang programa ay mag-aalok ngayon ng byahe sa buong bansa matapos na ipatupad ang moratorium sa ilang rehiyon bunsod ng limitadong kapasidad ng quarantine facilities.

“Napagkaisahan na this coming [July] 25-26 ang pagpapatuloy ng Hatid Probinsya. Ganun po ang ginagawa namin ngayon. Tinitignan natin na bigyan po natin ng 15 days para mabakante ang quarantine facilities,” paliwanag ni Galvez.

Ani Galvez, babawiin na ang moratorium dahil ang mga locally stranded individual (LSI) na kasalukuyang nago-okupa ng isolation facilities ay aalis din naman matapos makumpleto ng mga ito ang quarantine period.

Ipinanukala ni Galvez na isailalim sa PCR-testing for COVID-19 ang LSIs sa oras na dumating na sa kani-kanilang lalawigan para maiwasan ang pagkalat ng virus.

“Dahil po ang ating PCR labs ay nationwide na po, ang nakikita po natin sa ating policy, mas maganda pong sa receiving LGU siya magkaroon ng PCR test,” ani Galvez.

“Marami pong variable kung dito sa Manila o sa pinanggalingan [mag-test for COVID-19]. Marami pong instances na nag-negative po rito, ay nag-positive pa rin sa LGUs,” dagdag na pahayag ni Galvez. (CHRISTIAN DALE)

122

Related posts

Leave a Comment