INIULAT ng OCTA Research Group ang bumababang reproduction number o hawahan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dr. Guido David, hanggang Agosto 31 ay nasa 1.44 na lamang ang reproduction number sa NCR na mas mababa kumpara sa 1.56 noong Agosto 24, 2021.
Nakapagtala rin aniya ng pagbaba sa Quezon City na nasa 1.27 na lamang mula sa dating 1.47 noong Agosto 24, gayundin sa Maynila na nasa 1.33 na lamang mula sa dating 1.49.
Ani David, maaaring indikasyon ito na pababa na ang mga kaso ng COVID-19.
“Nakita namin na although sa Metro Manila nasa 1.44 ang reproduction number, ‘yung dalawang pinakamalaki na LGU sa Metro Manila, ‘yung Quezon City at Manila, ay medyo mababa na ang reproduction number nila,” aniya.
“Magandang indication ito kasi kapag ‘yung malalaking LGU ay bumababa ang reproduction number, usually susunod din ‘yung mga maliit na LGU,” aniya pa.
Ikinukonsidera rin aniya nila na ang 1.44 reproduction number sa Metro Manila ay mababa na.
160 