(NI ABBY MENDOZA)
DAHIL hindi pa rin natitigil ang hazing kasunod na rin ng pagkamatay ng 20 ayos na PMA Cadet na si Darwin Dormitorio, isinusulong ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez na ibilang na bilang heinous crime ang hazing.
Ayon kay Rodriguez reclusion perpetua na at multang P3 milyon ang parusa sa hazing subalit tila hindi pa ito nakakasapat dahil patuloy pa rin sa paggawa ng ganitong krimen nang walang takot.
Ani Rodriguez, sa oras na maging heinous crime ay hindi magiging eligible sa Good Conduct and Time Allowance(GCTA) ang mga akusado dito.
“The difference will be first they will not be eligible for good conduct time allowance. They will have to serve the entire life imprisonment that will be meted to them. Because it seems the new law last year did not deter people like in the case of the PMA,”paliwanag ni Rodriguez.
Maging ang mga kaanak ng mga napaslang na biktima ng hazing ay ganito rin ang panawagan sa mga mambabatas, sinabi ni Carmina Castillo, ina ni Law student Horacio Castillo lll, na hindi pa rin natitigil ang hazing kaya dapat na gawin na itong heinous crime.
Samantala, pinagbibitiw ni Rodriguez si PMA Superintendent Lt Gen Ronnie Evangelista dahil sa command responsibility, giit ng mambabatas kung hindi kayang pigilan ni Evangelista ang hazing sa loob ng PMA ay dapat na magbitiw na ito at ibigay ang posisyon sa ibang opisyal na kaya ang tungkulin na bantayan ang mga kadete upang hindi mangyari muli na may mabiktima.
“There is command responsibility here. A young person who wishes to become a military officer and do good service to the country. All the dreams of Darwin has died with him. It cannot be that he would not know. He would hear, they’re military already they would have intelligence,” giit ni Rodriguez.
Hiniling din nito na magkaroon ng independent investigation sa kaso ni Dormitorio na maaaring gawin ng PNP o ng NBI at hindi ng PMA.
