HEALTH PROTOCOLS SA LOOB NG BAHAY

“KAHIT nasa loob ng bahay, ituloy ninyo ang pag-practice ng health protocols,” pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa gitna ng mga ulat na ang hawaan ng nakamamatay na COVID-19 virus ay sa loob na ng pamilya at tahanan.

“Ang hawaan sa ngayon ay pami-pamilya na. Kung pabaya ka, iuuwi mo sa bahay tapos ‘di kayo susunod sa protocol… Mag-asawa kami, magkakaanak kami, pami-pamilya kami. ‘Yun ang problema dahil diyan, ‘di na sinusunod ang minimum health protocols sa loob ng tahanan,” sabi ng alkalde.

Ganito rin ang ulat ng health authorities at ibang local government officials sa Metro Manila, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa maraming bahagi ng bansa, kabilang na ang National Capital Region.

Dagdag ng alkalde, “Unless for the past 11 months ay ‘di ka lumabas ng bahay which is near impossible or you have not interacted with people outside of your residence…basta me interaction ka outside, there is a high probability you may acquire the deadly disease”.

Samantala, hinikayat ni Moreno ang publiko na huwag paniwalaan ang lahat ng nakikita nila sa social media o chat groups kaugnay ng lockdowns.

“Huwag kayong maniwala sa kung ano-anong organisasyon. Kunin ninyo ang data sa Manila Health Department with regard to infections in the city, any district or barangay, hindi ”yung grupo-grupo lamang,” ayon pa kay Moreno.

Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos na kumalat ang isang text message na nagsasabi na ilang lugar sa Maynila ang inilagay sa lockdown dahil sa mataas na COVID-19 cases at ito ay kumalat sa social media kamakailan at pinayuhan ang publiko na huwag magpunta sa nasabing mga lugar. (RENE CRISOSTOMO)

105

Related posts

Leave a Comment