HEPE NG KAWIT POLICE STATION AT 5 TAUHAN, SINIBAK

SINIBAK sa kanilang puwesto ang hepe ng Kawit Municipal Police Station at limang tauhan nito matapos mag-viral ang video ng umano’y marahas at ilegal nilang pag-aresto sa isang babae sa Cavite.

Ipinag-utos ni PRO4A Regional Director PBGen Vicente Danao Jr., ang pagsibak kina P/Major Gabriel Unay, Chief of Police ng Kawit MPS at tauhan nitong sina PSSgt Jayson Rapiz, PSSgt

Jessthony Pagaran, PSSgt Jaymil Payuran, Corporals Gerry Cambarihan at Joey Pedimonte.

Sa ulat ng Kawit MPS, September 25 nang magsagawa ng operasyon sa Brgy. Tabon 2 ang ilan nilang tauhan kung saan dinakip ang isang babae.

Nakunan ng video ng isang Apple Grace ang mga pangyayari at nag-viral.

Kitang-kita sa video na pumasok ang mga operatiba sa bahay ng isang Dana Jamon at kinaladkad ito palabas sa harapan ng kanyang mga anak.

Para kay Danao, ang nasabing operasyon ay hindi katanggap-tanggap at isang paglabag sa police operation procedure.

“Such act is unacceptable,” ayon pa sa opisyal.

“Hindi ako papayag sa mga maling gawain ng mga miyembro ng ating kapulisan. I have been very strict with my program on LITIS, or Litisin Tiwalag at Iskalawag na Pulis,” dagdag pa nito.

Dahil dito, ilalagay sa preventive suspension ang mga inirereklamong pulis habang iniimbestigahan ang reklamo. (SIGFRED ADSUARA)

267

Related posts

Leave a Comment