HIGIT P100-M PANANIM POSIBLENG MASIRA SA EL NINO

elnino1

(NI JEDI PIA REYES)

TINATAYA ng Department of Agriculture (DA) na pumalo sa P100 milyon o higit pa ang halaga ng masisirang produksyon sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon kay DA chief of Field Program Operational Planning Division Christopher Morales, maaaring abutin ng 10,000 metric tons ng bigas at mais ang masasayang lang dahil sa tagtuyot.

Kabilang aniya sa mga lalawigang mahigpit na minumonitor ngayon dahil sa epekto ng El Niño phenomenon ay ang Cotabato, Occidental Mindoro, buong Zamboanga peninsula, Maguindanao, Misamis Occidental, at Davao del Sur.

“May ilang magsasaka na ang nagrereklamo sa epekto ng El Niño sa Cotabato, Occidental Mindoro, Zamboanga, Maguindanao, at Davao del Sur,” ani Morales.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na nuong Nobyembre ng nakaraang taon pa nila napaghandaan ang El Niño.

“Mula pa noong November last year, may instruction na si Agriculture Secretary [Manny] Piñol na magkaroon ng task force para mabantayan ang mga lugar na inaasahang maaapektuhan,” dagdag ni Morales.

235

Related posts

Leave a Comment