HIGIT P100K PRODUKTO NG FARMERS NAIBENTA SA TRADE FAIR NG DAR

TINATAYANG aabot sa mahigit isandaang libong piso ang benta ng mga produkto ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas sa ginanap na dalawang araw na Agraryo Trade Fair noong nakaraang linggo sa compound ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Tacloban City.

Ayon kay Chief of the Program Beneficiaries Development Division, Melecia Ong, ang trade fair, na may temang “Produktong Benepisyaryo tungo sa malawak na Merkado,” ay nakabuo ng pinagsamang benta na P116,332 para sa mga produkto ng agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) lamang.

Sinabi nito na hindi pa kasama sa nasabing halaga ang benta na nabuo ng mga pribadong negosyanteng sumali sa trade fair.

Ibinahagi ni Ong na karamihan sa mga produkto ng ARBO, mula sa sariwang prutas at gulay hanggang sa mga processed food, ay naibenta lahat.

“Ipinapakita namin dito ang mga resulta ng lahat ng mga interbensyon at suportang serbisyo na ibinigay namin sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa ilalim ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program),” ani DAR Regional Director Robert Anthony Yu sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng trade fair.

Kaugnay nito, ipinagmamalaki ni Provincial Director Ruthelma Samonte ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga produkto at tagumpay ng mga magsasaka sa pagbebenta. (PAOLO SANTOS)

503

Related posts

Leave a Comment