P5.1-B NAILABAS NA PONDO SA MARAWI

marawi siege12

(NI JG TUMBADO)

UMAABOT na umano sa higit P5 billion ang nailabas na pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi siege noong 2018.

Kasabay ito ng  paglilinaw ng Office of Civil Defense (OCD) sa naipalabas na report ng Commission on Audit (CoA) na nasa P10,000 lamang  ang naipalabas na pondo para sa mga kaanak ng mga namatayan at nasugatan sa limang buwan na gulo sa Marawi City dalawang taon na ang nakakalipas.

Sa pahayag ni Usec. Ricardo Jalad, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) administrator at OCD executive director, sinabi nito na hanggang nitong Mayo 30 , umaabot na sa P5.164 billion ang nagamit para sa Marawi rehabilitation at reconstruction program.

“We would like to assure the public that the funds for the victims of the Marawi siege in the amount of P36.91 million from various donors is still with the OCD and are not missing,” dagdag pa ni Jalad.

Sinabi ni Jalad na ang OCD ang siyang nagsisilbing implementing arm ng NDRRMC at coordinator ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), na siyang naatasang manguna sa pasasaayos ng lungsod at tumulong sa mga naapektuhan ng terror attack sa Marawi City.

Nilinaw pa ni Jalad na maingat sila sa paglalabas ng pondo.

Kabilang dito ang P10,000 tulong sa bawat isang namatayan at P5,000 na financial assistance para naman sa mga nasugatan.

Ani pa ng opisyal na tuloy tuloy ang paglalabas ng pondo para na rin sa mabilis na rehabilitasyon ng Marawi.

 

223

Related posts

Leave a Comment