Hindi nagpapakita sa publiko ‘HEART ATTACK’ NI REMULLA USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA

ILANG araw nang pinag-uusapan ng mga netizen ang kumalat na balita sa social media na inatake sa puso si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaya hindi umano ito nagpapakita sa publiko.

Agad namang pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) ang balita.

Sa isang kalatas mula sa Kalihim, tinawag nitong fake news ang nasabing report at hindi rin umano siya dinala sa ospital.

Sinabi rin ng Kalihim na maayos ang kanyang kalagayan.

Lumutang ang balita nang may makapansin na ilang araw nang hindi pumapasok sa DOJ ang kalihim. Hindi rin ito nakikita sa mga aktibidad o okasyon.

Lalong naghinala ang mga netizen dahil tahimik ang kagawaran patungkol sa dahilan ng pagliban ni Remulla.

Kaugnay nito, pinayuhan ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano ang publiko na mag-ingat sa fake news at laging tingnan ang kredibilidad ng nagpapakalat ng ganitong uri ng balita.

Una na ring itinanggi ni Clavano na dumanas ng heart attack si Remulla at tinawag niya itong super fake news.

(JULIET PACOT)

423

Related posts

Leave a Comment