Hindi pa tukoy kung Pinoy PAL PASSENGER, UNANG KASO NG MONKEYPOX SA HONGKONG

SINISIYASAT na ng Department of Health (DoH) ang nasyonalidad ng pasahero ng Philippine Airlines (PAL) na unang kaso ng monkeypox sa Hongkong upang malaman kung Pilipino siya o hindi.

“Based from what we have gathered yesterday at an initial report that they have given us, they were not able to identify yet the nationality of this specific individual.

We are still coordinating closely if this really is a national coming from our country,” saad ni Vergeire ukol sa pasahero na lulan ng flight PR300 ng PAL noong Setyembre 5.

Pinaabisuhan na ng PAL ang mga pasahero na sakay ng naturang eroplano.

Sa kabila ng mababang tsansa na mahawa ng naturang virus, pinayuhan na rin sila na suriin ang sarili kung makakaramdam ng anomang sintomas kaugnay ng naturang karamdaman.

Ito ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Hongkong.

Sa kasalukuyan, nananatiling apat ang opisyal na kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Patuloy naman umano ang maigting na ‘surveillance’ ng DoH sa mga lugar na may mga naitalang kaso kaya’t walang dapat ipag-alala ang publiko. (RENE CRISOSTOMO)

273

Related posts

Leave a Comment