HIPON GIRL NIREGALUHAN NG HOUSE & LOT

May bagong uploaded video si Wilbert Tolentino, ang manager ni Madam Inutz at Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, ang aspiring beauty queen na kandidata sa Bb. Pilipinas 2022. Bago pumasok sa PBB House si Madam Inutz binigyan niya agad ng gift si Madam Inutz, isang house and lot.

Siyempre hindi nagpakabog, si Hipon naman ang kanyang sinorpresa.

Sa bagong vlog ng talent manager sinabi nito, “Ichichika ko lang sa inyo mga ka-freshness, eto ay pang-motivation ko tulad ng ginawa ko kay Madam Inutz. Bago pumunta si Madam Inutz, pumasok sa PBB, ni-reward ko na sa kanya para win or lose, alam niya na may balur na siya.

Kung si Madam Inutz, bago siya pumasok sa PBB, magkakaro’n na siya ng bahay, si Hipon naman, bago naman siya pumasok sa BBP, meron din siyang bahay.”

Ang property ay may area na 216 sqm. Isa itong bungalow type na two-storey apartment units.

“Kwento ni Hipon kasi, sabi niya, ‘yung isang pang-rental doon is pang-support na raw niya ‘yon sa family nila for pang-daily expenses,” pagbabahagi pa ni Wilbert.

Speechless naman si Hipon Girl sa bonggang house & lot na natanggap niya.

Ang nasabing house and lot ay sa Angono, Rizal matatagpuan.

“Natupad din ang aking pangarap magka-house & lot. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino,” pasasalamat ni Herlene.

“Mga Ka-Squammy, Ka-Hiponatics at Ka-Budol ko r’yan sobrang speechless po ako at overwhelmed ” dugtong pa niya.

266

Related posts

Leave a Comment