SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na pag-aaralan ng Technical Working Group (TWG) ang panukala na magkaroon ng transpo bubble kung saan magkakaroon ng exclusive buses at iba pang public transportation na para lamang sa mga bakunadong indibidwal.
Aniya, ang nasabing panukala ay pormal na isusumite sa Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-aralan ng TWG at desisyunan.
Samantala, kumbinsido naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na kailangang panatilihin ang public transportation sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Abalos sa virtual press briefing ni Sec. Roque na dapat panatilihin ang public transportation dahil nandiyan aniya ang mga frontliner, essential workers at mga magpapabakuna. (CHRISTIAN DALE)
132 