HOPE ni GUILLER VALENCIA
MAYROONG 365 na beses sa Bibliya na kung saan tayo ay sinabihan na, “Huwag kayong matakot.” Sinabi ni Jesus, “Huwag matakot at sumampalataya lamang.”
Huwag matakot mabigo, ito ang nais kong bigyan natin ng pansin. Kadalasan tayo ay bantulot humakbang o gumawa ng anomang bagay para sa ating gawain; maging sa negosyo, propesyon o maging sa panliligaw. Dahil nga tayo’y takot mabigo. Kadalasan daw tayo ay natatakot sa anomang mangyayari na bagaman ito’y malayong mangyari o ‘di magaganap. “Ang takot ay nasa isip lamang,” sabi nga sa awit ni Pinay folk singer Coritha.
Ang takot daw ay dapat harapin, anoman ito. Kung nais natin maging matagumpay ay kailangan nating harapin ang panganib. Ito ang kadalasang kinahaharap ng matatagumpay na mga negosyante. Ang pinakamalaking pagkakamali na magagawa ninyo sa buhay ay ang patuloy na matakot na ikaw ay makagawa ng pagkakamali.
Ang pagkabigo ay susi sa tagumpay; sa bawat pagkakamali natin, ito ay nagtuturo sa atin ng isang bagay. Ang mahirap dito, kung tayo ay nabigo o nagkamali ay mananatili pa rin tayo sa ganoong sitwasyon. Pagkabigo ay tagumpay kung tayo ay natuto sa atin pagkakamali. Tama ang sabi ng dating pangulo ng Amerika na si Theodore Roosevelt, “It is hard to fail, but it is worse never to have tried to succeed.” Try and try until we succeed, ito ang palasak natin marinig na may katotohanan.
Magandang namnamin ang sabi ni Napoleon Hill: “Most great people have attained their greatest success just one step beyond their greatest failure.” Pahayag pa rin niya, “Failure is a detour, not a dead-end street.”
Ang kilalang Prime Minister ng England ay nagsabi rin, “Success is not final, failure is not fatal: it is the courage to continue that counts.”
Idagdag pa natin ang wika ni Confucius, “Our greatest glory is not in never falling, but in rising every time we fall.”
Hindi madali ma-overcome ang fear of failure, pero kapag na build-up natin ang confidence na hindi matakot sa failure, tayo ay magkakamit ng higit. Ang hamon sa atin, tuloy ang pakikibaka sa buhay. Ang kabiguan ay hindi permanente at ito’y pansamantala lamang tungo sa tagumpay nating inaasam.
Maganda ang paalala ni Indian yogi at guru Paramahansa Yogananda, “The Season of failure is the best time for sowing the seeds of success.” Ito sana ang ating maging kaisipan, ang ating failure ay siyang maging hudyat natin para sa bagong tagumpay at hindi para tayo ay tumigil sa ating layuning maging matagumpay.
Si William Penn na founder ng Pennsylvania ang nagbanggit ng ganito, “No pain, no palm; no thorns, no throne; no gal, no glory; no cross, no crown.” Idagdag pa natin ang sulat ni Latin Playwright Terence, “Fortunes favors the bold”. Finally, first and foremost, “Fear not believe only,” Jesus said! (giv777@myyahoo.com)
