ILANG LUGAR, WALANG PASOK SA SEA GAMES

seagames6

(NI BERNARD TAGUINOD)

WALANG pasok ang mga estudyante   sa ilang lugar sa panahon ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.

“In certain areas po (na walang pasok),” ani  House Speaker Alan Peter Cayetano subalit hindi nito tinukoy ang mga lugar na posibleng suspendehin ang klase habang ginaganap ng SEA Games.

Ayon kay Cayetano, nagkaroon na  pulong para malaman kung saan-saang lugar ipapatupad ang no-classes dahil tiyak na maaabala umano ang mga estudyante kung papasok ang mga ito.

“Hinihimay nila kung saan magandang magkaroon ng no classes kasi most of the other naman po, tinabi na naman ‘yung mga coaches at athlete sa venue pero meron siyempre iba hindi mo maiwasan, even without that traffic na,” ani Cayetano.

Inaasahan aniya na makaaapekto sa trapik ang SEA Games dahil 9,000 ang volunteers pa lamang, bukod sa 11,000 umano ang mga atleta at mga coaches at inaasahan na aabot sa 1,000 ang international media na magkokober sa nasabing event.

Maliban dito, nais umano ng mga ito na magkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na mapanood ang mga laro lalo na sa mga lugar kung saan walking distance lang isasagawa ang palakasan.

“Isang hot issue ngayon ‘yung anti drugs ‘di ba, Ang isa sa pinakamagandang anti drugs is sports eh, may disiplina d’yan, the passion, competition. Ang athlete ni-hindi kumakain ng masyadong maalat o ng unhealthy, hindi naninigarilyo so I think this is one way na we’ll all agree na hindi lang isa ang way na i-atake ang problema ng iligal na droga,” ani Cayetano kaya mahalagang mapanood ng mga kabataan ang mga sport events ng personal.

152

Related posts

Leave a Comment