ILANG QC HOSPITAL FULL CAPACITY NA

ILANG mga pampublikong ospital sa lungsod ng Quezon ang nagdeklara na ng full capacity dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease sa Metro Manila.

Kabilang sa mga ospital na nagdeklara ng full capacity ay ang Rosario Maclang Bautista na sumunod sa Quezon City General Hospital.

Sumirit naman sa 135 porsyento ang occupancy rate ng COVID-19 ward ng Novaliches Hospital.

Kasalukuyang may 62 kumpirmadong COVID-19 patients ang nasabing ospital at punuan na rin maging sa wards nila para sa COVID-19 persons under investigation (PUIs).

Sa abiso na inilabas ng Novaliches Hospital, hindi lang ang COVID-19 ward ang puno kundi maging ang kanilang pop-up tents sa paligid ng gusali ay puno na at ang kanilang emergency areas.

Gayunpaman, tumatanggap pa rin sila ng mga outpatient sa emergency area. Pero kung kinakailangang ma-confine o ma-admit sa ospital ay inaabisuhan nila na humanap ng alternatibong mapupuntahang ospital o pagamutan sa ngayon.

Maging ang 12 HOPE Facilities ng Quezon City ay nasa 75.53 porsyento na ang occupancy rate.

Sa naturang pasilidad karaniwang dinadala ang mga pasyente na may mild symptoms.

Sa datos, nasa 9,400 ang active cases sa Quezon City matapos na madagdagan ng 157 active cases noong Huwebes, Agosto 26, 2021.

Tuloy-tuloy naman ang vaccination program ng lungsod kung saan nasa mahigit 2.2 milyon na ang nabakunahan. (JG TUMBADO)

218

Related posts

Leave a Comment