Ina nakakulong sa droga 13-ANYOS SEX SLAVE NG STEPFATHER

LUCENA CITY – Isang 13-anyos na dalagita ang ginawang sex slave ng kanyang 33-anyos na stepfather sa loob ng anim na taon sa kanilang bahay sa lungsod na ito.

Ayon sa pahayag ng biktima sa Lucena Police, nagsimula ang kanyang kalbaryo noon pang 2016 nang unang siyang gahasain ng kanyang stepfather nang makaraang makulong ang kanyang ina sa kasong illegal drugs

Magmula noon, ay paulit-ulit na siyang pinagsasamantalahan ng suspek lalo na kapag ito ay nakainom.

Natakot aniya siyang magsumbong at sinarili na lang ang pangyayari dahil sa takot at pagbabanta sa kanya ng amain.

Pinakahuli umano siyang ginalaw ng suspek noong hatinggabi ng Agosto 17, 2022.

Ngunit nitong Biyernes, August 26, muli siyang pinagtangkaan ng suspek subalit pumalag siya at nagsumbong sa isang barangay official na siyang nagsama sa kanya sa himpilan ng pulisya.

Nakatakdang sampahan ng multiple counts ng rape and sexual assault ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

451

Related posts

Leave a Comment