INFECTION RATE NG COVID-19 TUMATAAS PA RIN

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagtaas ng infection rate na mula sa 10% noong nakaraang buwan, umaabot na sa 12% hanggang 13% sa nakaraang
dalawang linggo base sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa panayam, sinabi ni Drilon na lubha nang nakababahala ang lumalalang infection rate na mula sa 10% sa unang panahon ng outbreak, umabot na sa 12% hanggang 13% ang positivity rate o
infection rate sa kabila na bilyong piso ang inilaan upang labanan ito.

“I’ve heard that they are attributing the surge in the number of cases to the increased testing capacity.

Ang hindi nila binabanggit ay ang pagtaas ng positivity rate. If we look at the data in March and April, the positivity rate then was between 9-10%, now it is anywhere between 12-13%
and is still increasing,” giit niya.

Tinukoy ni Drilon na noong Agosto 6, mula sa 19,666 indibidwal na nasuri, 2,400 ang nakumpirmang positibo o aabot sa 12.2% infection rate.

“The rate was much worse last August 1 when the country recorded a 13.9% positivity rate after 3,641 individuals tested positive out of 26,149 tests conducted,” aniya.

Ayon kay Drilon kapag pinagsama-sama ang records, makikitang tumataas ang infection rate na magbabasura sa katuwiran ng mga opisyal na pamahalaan na ang pagtaas sa bilang ng kaso, na
nalampasan natin ang Indonesia, ay dahil tumaas ang testing capacity ng bansa.

“Huwag nating pagtuunan ng pansin kung mas mataas tayo o mas mataas ang Indonesia.

Angpansinin natin ay kung ano ang ating magagawa. Ang infection rate, iyan po ang ating kalaban.

Hindi yung mga prediction ng UP ang gagawin nating basehan kaya nanalo tayo. That’s neither here nor there,” paliwanag ni Drilon.

Isinusulong ni Drilon na dagdagan ang pondo para sa Bayanihan 2 upang sakupin ang mas maraming benepisyaryo ng social amelioration program (SAP). (ESTONG REYES)

154

Related posts

Leave a Comment