106 Customs brokers sapul din 298 IMPORTERS, BAWAL SA BOC!

SA hangaring tiyakin ang maayos at malinis na kalakalan, tuluyang tinabla ng Bureau of Customs (BOC) ang accreditation ng hindi bababa sa 298 importers kaugnay ng patong-patong na paglabag sa mga umiiral na reglamento sa kalakalan.

Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, bukod sa kanselasyon ng accreditation ng mga importer, hagip din sa isinasagawang paglilinis ng kawanihan ang nasa 106 licensed Customs brokers na aniya’y nakitaan ng sapat na patunay ng ginagawang sabwatang lubhang ikinalugi ng pamahalaan.

Sinampahan na rin aniya ng kasong kriminal ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) ang mga importer na nandaya sa pamahalaan, habang administrative cases naman ang inihain sa Professional Regulations Commission (PRC) laban sa mga Customs broker bunsod ng mga hayagang paglabag sa mga probisyong kalakip ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Babala pa ng BOC chief, magpapatuloy ang pagtugis ng kanyang tanggapan sa mga tiwali sa kanyang pinamumunuang kawanihan.

29

Related posts

Leave a Comment