17 DISTRITO, BUMIDA SA 121st ANIBERSARYO

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Bureau of Customs (BOC), binigyang pagkilala ang mga natatanging opisyales at empleyado ng kawanihan.

Tampok ang parangal na iginawad sa BOC-Port of Batangas District kaugnay ng agresibong kampanya laban sa smuggling at katiwalian sa nasasakupang distrito.

Maliban sa BOC-Batangas, pasok din sa talaan sina BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan at Deputy Port Collector Atty. Lourdes Mangaoang. Pinarangalan din ang Ports of Batangas,

Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Surigao, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri, Limay, Manila, San Fernando, Manila International Container Port, at NAIA.

Personal na pinangunahan ng pamunuan ng ahensya ang pagbibigay ng parangal para sa mga opisyales at em­pleyadong inilarawan bilang sandigan ng kawanihan.

Kabilang din sa mga nakibahagi sa pagdiriwang sina Finance Secretary Benjamin Diokno, Albay Rep. Joey Salceda at Deputy Commissioner Donato San Juan.

Una nang umani ng papuri ang BOC para sa tinaguriang record-breaking revenue collection na bunga ng pi­naigting na kampanya kontra smuggling, reporma at mo­dernisasyon ng ahensya.

Binigyan din ng pagkilala ang Enforcement and Security Service, Environmental Protection and Compliance Division, Customs Intelligence, Investigation Service at Anti-Illegal Drugs Task Force.

35

Related posts

Leave a Comment