20 PACKAGES LIQUID MARIJUANA HULI SA NAIA

JOEL O. AMONGO

Aabot ng 20 packages na may kabuuang 116 bote ng hemp extract/liquid marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs NAIA kasama ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ang mga bote ng liquid marijuana ay idineklara bilang “Dietary Supplements”, na may ibat-ibang consignees.

Ang tangkang pag-smuggle ng ipinagbabawal na droga ay napigilan sa pamamagitan ng ‘strict profi­ling’ ng nakatalagang Customs examiner at sa isinagaw ang 100% physical examination.
Kasunod ng isinagawang PDEA Chemical Labotory Test, nakumpirma na ang na­sabing mga bagahe ay naglalaman ng liquid cannabis.

Binigyan-diin ng PDEA na ang importasyon ng marijuana kahit pa sa anumang variety o klase ay ipinagbabawal sa ilalim ng R.A. 9165 o mas kilala sa tawag na “The Comprehensive Dangerous Drugs Act”.

Lahat ng mga nakumpiskang packages ay itinurn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang imbestigasyon at case build up laban sa tao na responsable para sa paglabag sa nabanggit na batas.

Labag din ito sa Sections 118 (Prohibited Importation), 1113 (Goods Liable for Seizure and Forfeiture) at 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kaugnay nito, ang BOC NAIA ay magpapatuloy sa pagbabantay laban sa lahat ng mga pagtatangka na magpapasok sa bansa ng mga ipinagbabawal, hindi ligtas at mapanganib na kalakal.

Ito ay bilang pagsunod sa direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na pagbabantay sa mga hangganan ng bansa.

67

Related posts

Leave a Comment