BOC, DA, DOH NAGSANIB VS ASF

Upang mahigpitan ang border ng bansa laban sa nakalalasong import goods at products, ang Bureau of Customs ay nananatili sa mahigpit na koordinasyon sa ibat-ibang trade regulatory agencies para tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng publiko.

Kaya ang BOC ay sumusunod sa tamang pamamaraan para pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga produktong pagkain na kontaminado ng mga sakit, tulad ng African Swine Fever (ASF).

Kabilang sa mga nasabing pamamaraan ay ang pagtiyak na ang regulated at safe import commodities lamang ang maaaring makapasok sa bansa sa pamamagitan ng close coordination sa Department of Agriculture (DA) at ang Department of Health (DOH).

Ang dalawang nabanggit ay ang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno na magsasaayos ng mga in-import na produktong pagkain sa bansa.

Ayon sa Article IV, Section 12, paragraph (b) ng Republic Act No. 10611, o mas kilala bilang Food Safety Act of 2013, ang mga imported foods ay isasailalim sa cargo inspection at clearance procedures ng DA at ang DOH naman sa tinatawag na first port of entry para malaman na sumusunod sila sa national regulations, at para matuloy ang assessment para sa tariff at iba pang bayarin sa BOC.

Matatandan na ang DA noong 2020, ay nagpanukala ng pagbuo ng first-border ins­pection (FBI) facilities sa mga pangunahing pwerto ng bansa.

Sa sandaling ipatupad ang proyekto, pangungunahan ng DA ang pagsasagawa ng first border inspection sa lahat ng mga hayop, halaman, isda at iba pang agricultural products na darating mula sa ibang bansa.

Sa kasalukuyan ang BOC regular, ang DA at ang DOH ay regular na nagbibigay ng mga dokumento sa Inward Foreign Manifest of Arriving Vessels para malaman ang shipments na nangangailangan ng food safety inspection.

Ang BOC kasama ang Quarantine Officers ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nagsasagawa ng boarding formalities bilang bahagi ng clearance procedures.

Siniselyuhan umano ng BAI ang meat products na nakapaloob sa reefer containers bago pa man i-release ng nasabing imports mula sa BOC.

Sa ilalim ng Customs Memorandum Order No 04-2020, lahat ng reefer/refrige­rated containers na naglalaman ng agricultural products ay subject sa BOC’s Electro­nic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC) system.

Pagkatapos na makumpleto ng customs cargo clearance, ang reefer vans ay tinatakan ng Electronic Customs Seal, isang GPS-equipped device, at dinadala sa DA-accredited cold storage facilities na ang DA officers ang magsasagawa ng 100% examination ng shipment.

Ang meat and poultry products ay sinisiyasat ng National Meat Inspection Services (NMIS), ang isda naman at aquatic products ay sa BFAR, at ang plant products ay sa BPI.

Ang pangunahing gawain naman ng E-TRACC ay higpitan ang pagbabantay sa pagbibiyahe ng reefer vans sa accredited cold storage facilities.

Karagdagan nito, tinitiyak na ang reefer products ay nasisiyasat ng DA officers bago pa man i-release para sa pagkunsumo.

Ang E-TRACC ay napatunayang epektibo dahil nakaka-detect ito ng iqbat-ibang tangkang paglihis, tinitiyak ang border security at trade facilitation.

Samantala, ang BOC ay patuloy sa pagmomonitor at mga pag-iingat ang hangganan ng bansa laban sa ASF-infected meat at pork products.

Magugunitng noong 2020, ang BOC ay nakasabat ng mahigit sa P98 million halaga ng illegally imported meat at pork products. (Joel O. Amongo)

41

Related posts

Leave a Comment