250 TONELADANG SIBUYAS AT BAWANG, SILAT SA MALABON

SA gitna ng kai-kabilang imbestigasyon kaugnay ng malawakang agri-smuggling sa bansa, timbog sa operasyon ang santambak na sibuyas, bawang at munggong nakaimbak sa 24 bodega sa lungsod ng Malabon.

Kasama ang Philippine National Police (PNP) at Phi­lippine Coast Guard (PCG), pinasok ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang cold storage sa Malabon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa diumano’y ilegal na aktibidades ng ilang negosyante.

Sa kalatas ng BOC, uma­bot sa 250 tonelada ng mga produktong agrikultura ang sinamsam ng kawanihan nang mabigong maipri­sinta sa mga operatiba ang mga dokumentong patunay na legal ang mga tumambad na imported na sibuyas, bawang at munggo.

Pagtataya ng kawanihan, aabot sa P95 milyon ang kabuuang halaga ng mga kumpiskadong agri-products.

Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na may 15 araw ang may-ari ng sinamsam na sibuyas, bawang at monggo para mailabas ang patunay na binayaran ng sapat ang buwis na kalakip ng mga inang­kat ng produkto.

Labinlimang araw din ang ultimatum ng kawanihan sa may-ari ng bodega para magpaliwanag.

91

Related posts

Leave a Comment