BAGONG TAUHAN NG BOC-POD SUMABAK SA ORIENTATION

NAGSAGAWA ng oryentasyon ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao sa kanilang bagong tanggap na mga tauhan kamakailan.

Kasabay ng oryentasyon sa bagong tanggap na mga tauhan ang anunsyo ng tagumpay ng BOC-Davao.

Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa pangako ng Port sa pag-aalaga ng isang dinamiko at maalam na mga manggagawa at ito ay nagmamarka ng mahalagang hakbang sa pag-optimize ng kanilang customs operations at serbisyo ng kahusayan.

Sa buong oryentasyon, ipinakilala sa mga dumalo ang pangunahing mga aspeto ng customs operations, kasama ang customs regulations, organizational structure, technological advancements, customer service best practices, at ang kahalagahan ng seguridad at pagsunod sa mga alituntunin.

Ito ay komprehensibong pagsasanay sa magagamit nilang mga kasangkapan na kailangan para gumaling sa kanilang papel at para sa karagdagang lakas ng BOC Davao team.

“We extend our warmest welcome to our newly on boarded team members and are confident in their potential to enhance our customs services,” ani District Collector Maritess Martin. “This orientation program has not only equipped them with the knowledge but also instilled our core values and commitment to integrity and excellence.”

Kaugnay nito, ang BOC Davao ay umaasa sa positibong kontribusyon ng mga bagong miyembro ng team na hahantong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng customs operations at dekalidad na serbisyo.

(BOY ANACTA)

164

Related posts

Leave a Comment