BOC, IPRD VS ILLEGAL TRADE

IDINAOS ang Anti-Illicit Trade Summit ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng kanilang Intellectual Property Rights Division (IPRD) bilang komprehensibong hakbang laban sa illicit trade na ginanap sa Shangri-La, Bonifacio Global City, noong Mayo 18, 2023.

Ang summit ay nagbigay ng mahahalagang plataporma sa stakeholders para sa palitan ng talakayan ng mga pananaw, pagyamanin ang mga pakikipagsosyo at sama-samang paglaban sa illicit trade.

Ang event ay inorganisa ng Economist Impact, isang entidad ng negosyo na nagtipon ng pro­minenteng mga pinuno ng negosyo upang talakayin at analisahin ang mga hamon na ibinigay sa pamamagitan ng illicit trade.

Ito ay dinaluhan nina IO3 Paul Oliver Pacunayen, Acting Chief of the Intellectual Property Rights Division, kinatawan mula Bureau of Customs; Commissioner Romeo Lumagui, Jr., ng Bureau of Internal Revenue; at business leaders sa buong bansa.

Sa nasabing summit, si Acting Chief Pacunayen ay nagbigay halaga sa proactive approach na ginawa ng Bureau of Customs sa pakikitungo sa illicit trade.

Binigyang-diin niya ang pagsasampa ng mga kaso laban sa importers at brokers na nasasangkot sa ilegal na aktibidad.

Karagdagan nito, inihayag din niya ang kahalagahan ng pag-isyu ng ‘Pre-lodgement Control Orders (PLCO), alert orders, and hold orders upon receipt of verified derogatory information’.

Binalangkas din niya ang mahigpit na mga hakbang ng BOC sa proseso ng akreditasyon, office inspections, at suspension of accreditation para sa consignees na nasangkot sa illicit trade.

Ipinakita rin niya ang pagpapalawak ng Electronic Tracking Containerized Cargo (E-TRACC) system at pagpapatibay ng kapabilidad sa loob ng Risk Management Office.

Ibinahagi rin ang pagpapaunlad ng National Customs Intelligence (NCIS), ang pagiging epektibo ng CCTVs at X-ray machines, at ang updated training programs para sa mga tauhan ng BOC.

“The comprehensive mea­sures implemented by the Bureau of Customs aim to contribute to effective risk management in further suppressing illicit trade activities. The BOC is fully dedicated to combating illicit trade, substantially impacting government revenues and legitimate business sectors. Strengthening these measures to eliminate illicit trade significantly benefits the public and private sectors, businesses, and society,” ani Acting Chief Pacunayen sa nasabing open forum.
(Jo Calim)

188

Related posts

Leave a Comment