BoC MAY MGA BAGONG XRAY MACHINES

boc

(NI DAHLIA SACAPANO)

NAGLAGAY ng karagdagang 50 bagong xray machines ang Bureau of Customs sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.

Labing limang fixed baggage xray machines, 25 hand carried baggage xray machines, apat na mobile baggage xray machines at 6 na portal type xray machines na ngkakahalaga ng P1.2 bilyon ang nakatakdang i-install ngayong taon ayon kay custom Chief Leonardo Guerrero.

Dagdag pa niya ang mga machine ay may kakayahang makatagos sa mga pinakasulok na parte ng isang kargamento. Kaya din nitong malaman ang mga organic at inorganic na materyales may kasama pa itong Threat Image Projection (TIP) na kayang makita ang mga kahina-hinalang bagay na magpapaalerto sa operator ng mga scanner.

Isa sa mga prayoridad ni Customs Chief Leonardo Guerrero ay ang pagpapaigting ng kampanya laban sa smuggling at ilan pang illegal na aktibidad sa kanyang ahensya.

Ipinag-utos niya ang mabilis na pagkakabit ng mga ito para maiwasan ang pagpasok ng mga kontrabado at smuggled goods sa bansa.

Ayon pa sa Customs chief, ang upgrade na isinasagawa ng ahensya ay para hindi na maging masyadong abala ang pagsusuri sa mga kargamento.

Taong 2017 nang maglagay ng 19 na xray units sa mga paliparan kasama na rito ang Davao International Airport at pitong  new hand carried xray units ang nilagay sa NAIA noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 66 xray units ang ginagamit na sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa. Tinatayang matatapos ang installation ng mga ito bago matapos ang taon

273

Related posts

Leave a Comment