BOC NAGLABAS NG MGA PANUNTUNAN SA RCEP IMPORTS

NAGLABAS kamakailan ng hanay ng mga alituntunin ang Bureau of Customs (BOC) na nagbabalangkas ng mga kondisyon para sa pagkuha sa kagustuhang malunasan ang taripa sa ilalim ng bagong i­nimplementang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement.

Sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 12-2023 na may petsang Mayo 26, 2023, ang imported goods na nagmula sa anomang 15 member countries ay karapat-dapat mag-claim ng preferential tariff rates basta sa pamamagitan ng RCEP.

Ang CMO ay nilagdaan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, at naging epektibo noong Hunyo 2, 2023.

Ang nasabing CMO ay nagbibigay rin ng tiyak na mga pamamaraan para sa pagpapalabas at pagtanggap ng “Certificate of Origin”.

Bilang parte ng RCEP agreement, ang Certificates of Origin ay ipinag-uutos upang samahan ang mga kalakal na dinadala sa pagitan ng mga miyembrong bansa.

Ito ay magsisilbing opisyal na dokumento na magpapatotoo ng country of origin ng mga kalakal, na nagpapahintulot sa mga awtoridad sa customs, importers, at exporters para i-monitor ang galaw ng mga kalakal sa loob ng RCEP trading bloc.

Para maging kwalipikado sa RCEP tariff rates, ang importers ay dapat makuha ang nasabing certification kasama ng isang declaration of origin mula exporters na pinahintulutan ng Pilipinas, bilang tinukoy ng BOC.

Ang BOC naman ang inatasan sa kanilang Export Coordination Division (ECD) upang suriing mabuti ang lahat ng isinumiteng certificates of origin at applications para sa Approved Exporter status.

“ECD shall carry out verifications of the originating status of the goods upon request of the RCEP importing party or based on risk analysis criteria. Verification can be made thru the documents requested from the exporter or producer or by inspections at the exporter’s or producer’s premises,” base sa CMO.

Ang RCEP agreement ay iniimplementa sa mga bansang miyembro, na kinabibilangan ng China, Japan, South Korea, New Zealand, Australia, at 10 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries, na kung saan ay kasama ang Pilipinas.
(JO CALIM)

72

Related posts

Leave a Comment