TINIYAK ng Bureau of Custom (BOC) Port of Cebu na handang-handa sila sa muling pagsabak sa trabaho sa buong taon ng 2020.
Ito ang paniniyak ng mga opisyal at tauhan ng BOC Port of Cebu sa kanilang hepe na si District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza sa kanila Monday Flag Raising noong nakaraang linggo.
“Your customs officers and men are more than ready and very much willing to serve you this fiscal year”, ayon pa kay Mendoza.
Noong nakaraang Enero 6, 2020 ay pinangunahan ni Mendoza ang New Year’s call kung saan buong puso ang inihayag na suporta sa kanya at sa tanggapan ng mga opisyal at empleyado ng BOC Port of Cebu.
Binigyang diin naman ni Mendoza na kailangan ng kanilang tanggapan ang kooperasyon at pagkakaisa ng lahat ng personnel upang maabot ng BOC Port of Cebu ang kanilang goal sa taong 2020.
Matatandaang noong Enero 10, 2020, bilang bahagi ng kanilang trade facilitation efforts, nakipag-usap si Mendoza sa pangunahing port stakeholders kung saa kasama niya si Acting Deputy Collector for Assessment Atty. Lemuel Erwin Romero.
Layon ng dayalogo na mas palakasin pa ang ekonomiya ng bansa at ang kita ng BOC.
Kabilang sa mga dumalo ay kinatawan mula sa Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold, Processing and Refining Corp., Chioson Development Corp., Kepco SPC Power Corp., Apo Cement Corp., Cebu Energy Development Corp., Taiheiyo Cement Corp., Ecossential Foods Corp., at Cagayan Corn Products Corp. (Joel O. Amongo)
185