BOC-SUBIC, BPI AT BFAR SANIB PWERSA VS. AGRI-SMUGGLING

SA direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na tumugon ang tanggapan ng Bureau of Customs sa Subic, kasabay ng paglu­lunsad ng isahang pagkilos kasama ang tatlong iba pang ahensya, laban sa agricultural smuggling.

Sa pangunguna ni Port of Subic District Collector Mari­tess Martin, isang pulong ang isinagawa ng kanyang tanggapan kasama ang mga opisyales at kinatawan ng BOC-Subic, National Meat Inspection Service (NMIS), at Bureau of Plant Industry – Plant Quarantine Service (BPI-PQS) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa kolektibong pagkilos at palitan ng datos.

Kabilang din sa mga dumalo sa pulong na nakasentro sa paksang “governance sharing”

sina Deputy Collector for Assessment Maita Acevedo, Informal Entry Division officer-in-charge Atty. Aileen Amada-Tortoles, CIIS Field Station Chief Atty. Justin Geli at
Capt. Vincent Mark Malasmas na tumatayong District Commander ng CPD-ESS.

Dumalo rin sina XIP Field Officer Nelson Edaño at iba pang Customs Examiners.

Mula sa hanay ng mga katuwang na ahensya sina Dr. Domingo D. Gonzaga ng NMIS, Erwin Datu ng BPI-PQS at Ronald Bathan, Felizardo Francisco, Margarita M. Reyes, Neil Kenneth Catibog na kumakatawan naman sa BFAR.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mekanismong angkop sa kampanya ng pamahalaan laban sa agri-smuggling tulad ng second border inspection at 100% examination sa bodega ng mga consignees at panuntunan sa pagsasagawa ng inspeksyon.

(BOY ANACTA)

69

Related posts

Leave a Comment