CHINESE SMUGGLERS TIMBOG, P256M YOSI BULILYASO SA CAVITE

APAT na Tsinong pinaniniwalaang bahagi ng isang sindikato sa likod ng malawakang pagpupuslit at pamemeke ng sigarilyo ang arestado sa isang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa lungsod ng Trece Martires sa lalawigan ng Cavite.

Bitbit ang Letter of Authority at Mission Order na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pinasok ng Customs Intelligence and Investigation Services ng Manila International Container Port, kasama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang bodega sa kahabaan ng Tanza-Trece Martires Road sa Barangay de Ocampo ng nasabing lungsod.

Pagpasok sa target na pasilidad, tumambad ang mga tobacco products at mga makinaryang ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyong ipinapakalat sa
merkado. Kumpiskado rin

ang isang filter maker, dalawang cigarette-makers, anim na packing machines na may halagang P75M, apat na kahon ng tax stamps na may halagang P72M, tobacco filler, filter paper at paper rod na tinatayang nagkakahalaga ng P105M at 81 master cases ng siga­rilyong tatak Marvel, Two Moon at Mighty cigarettes na may kabuuang halagang P4.05M.

Patong-patong na kaso naman ang nakatakdang isampa laban sa may-ari ng bodega, mga arestadong Intsik at negosyanteng may-ari ng naturang pabrika.
(JOEL AMONGO)

123

Related posts

Leave a Comment