DETALYADONG PLANO NG PH LOGISTICS HUB UMARANGKADA NA

GANAP nang sumipa ang pagbalangkas ng detalye para sa pinananabikang pagtatayo ng logistics hub sa gawing katimugan ng bansa.

Sa isang pagtitipon na dinaluhan ng mga kinikilalang eksperto sa pagtataguyod ng logistics hub, sinimulan ang paglalatag ng mga mekanismong tutukoy sa pinaka-angkop na lugar para sa paglalapagan, paglalagakan at pangangasiwa ng mga papasok at lalabas na kargamento.

Sa kumpas ni Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) District Collector Erastus Sandino Austria, kasabay rin ang pag-arangkada ng plano para sa itatayong ‘world-class logistics hub.’
“Soon enough, our region would be globally known as an international destination for the storage, transportation, and management of cargo,” ani Sandino.

Inaasahang makapagsusumite ng isang detalyadong rekomendasyon sa Region IX Economic Development Committee at Regional Economic Development Council ang technical working group sa aspeto ng imprastraktura, pasilidad at polisiya.

“Through initiatives with our partner agencies, the Bureau of Customs vows to contribute to nation-building by staying true to its core mandate of trade facilitation,” pahayag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

(BOY ANACTA)

163

Related posts

Leave a Comment