EXPIRED PRODUCTS, WASAK SA BOC-NAIA

SA hangaring tiyaking ang kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino, agad na winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kumpiskadong “expired products” na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong mga nakalipas na buwan.

Sa pahayag ng BOC-NAIA, aabt sa P1.7 milyon ang kabuuang halaga ng mga “expired goods” na winasak gamit ang Thermal Decomposer (Pyrolysis) Facility ng Integrated Waste Management Inc. sa Lungsod ng Trece Martires, lalawigan ng Cavite.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, walang dahilan para patagalin pa sa pasilidad ng kawanihan ang mga kum­piskadong “expired goods,” lalo pa aniya’t hindi dapat bigyang puwang ang posibilidad na umabot pa sa merkado ang mga produktong sa paniwala niya’y may dalang peligro sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan.

Malaking bentahe rin ani Talusan ang inisyatiba ng ahensya para paluwagin ang pasilidad ng kawanihan.

Samantala, tiniyak ng pamunuan ng BOC-NAIA na mas magiging mahigpit ang kanilang pagbabantay sa pa­liparan bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.          (JO CALIM)

27

Related posts

Leave a Comment