HAMON SA CUSTOMS BROKERS: ISUPLONG ANG MGA BULILYASO

MAS maraming kaalyado, mas madaling matutuldukan ang mga bulilyaso, ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Sa isinagawang panunumpa ng mga bagong upong opisyales ng Chamber of Customs Brokers Inc., hinamon din ni Rubio ang mga customs broker na makiisa sa kampanya ng Bureau of Customs (BOC) sa paglaban sa mga nandaraya sa taripa at buwis na kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento.

Para kay Rubio, hindi matatawaran ang kapasidad ng mga broker na tinawag niyang katuwang ng kawanihan sa larangan ng kalakalan at kasangga naman sa kampanya laban sa mga smuggler at kasapakat sa gobyerno.

“As partners, they play a vital role in securing and simplifying trade facilitation and curbing smuggling. Let’s work together to improve customs processes and procedures for the greater benefit of all stakeholders,” ani Rubio sa pagpapatibay ng ugnayan sa mga sektor na saklaw ng ahensyang pinamumunuan.

Pagtitiyak ng BOC chief, bukas ang kanyang tanggapan sa mungkahi at kritisismo kung iyon aniya ang magbibigay-daan sa mas maayos na kalakalang pinag­huhugutan ng mala­king pondong pantustos sa mga makabuluhang programa at proyekto ng gobyerno.

Malaking bentahe rin aniya ang ginagampanan ng mga customs broker para sa mabilis na kalakalan, kasabay ng diin sa mga inilatag na reporma sa kawanihang higit na nakilala sa mga nakalipas na dekada bilang kanlungan ng katiwalian.

305

Related posts

Leave a Comment