INTER-AGENCY CONSULTATIVE COUNCIL MEETING ISINAGAWA NG BOC-POM

TINALAKAY sa isinagawang Inter-Agency Consultative Council Meeting na isinagawa sa OCOM Situation Room noong Agosto 30, 2023, ang mga hakbang para sa karagdagang pagsusulong ng mga operas­yon at pamamaraan ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa mga ahensyang miyembro nito.

Ang pagpupulong ay nagsilbi bilang isang plataporma para sa BOC at kanilang partner agencies upang mapalakas ang pagtugon sa mga alalahanin at rekomendasyon para sa pagpapabuti ng pagpapatakbo ng ahensya.

Ang aktibong dumalo ay ang POM top officials, at mga kinatawan mula sa Council members, Asian Terminals Incorporated (ATI), Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang unang Council meeting ni Collector Torralba bilang pinuno ng naturang Port.

Ang Port ay regular na nagho-hosts ng Council meeting habang kinikilala nito ang mahalagang papel ng kanilang partner agencies sa pagtugon ng mga isyu sa ‘bottleneck’.
Ito ay upang mapabuti ang mabilis na kalakalan habang sinisigurado ang koleksyon na naaayon sa mga legal na kita at proteksyon pabor sa gobyerno at publiko.

(BOY ANACTA)

300

Related posts

Leave a Comment