Isinampa ng BOC-BATAS SMUGGLING VS 3 IMPORTERS

Ang Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), ay nagsampa ng criminal cases noong nakaraang 18-22 ng Ene­ro 2021 sa Department of Justice (DOJ) laban sa tatlong (3) importers para sa umanoy misdeclaration at illegal importation ng ipinagbabawal na kalakal.

Ang unang kaso ay laban sa Akiza One Six Eight Eight Eight Trading para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration’ ng 100 sako ng used clothing (ukay-ukay), 450 sako at 150 karton ng pinaghalong mga damit at mga relo.

Ayon sa BATAS, ang consignee ay idineklara ang kanilang shipment bilang used surplus furniture at kitchenware.

Ayon sa BOC, ang nasabing paglabag ay nangyari noong Oktubre 25, 2020 sa Manila International Container Port (MICP).

Kasama sa kinasuhan ay ang Summer Beast Enterprises Co. para sa ‘alleged illegal importation and misdeclaration’ ng 539 bales ng used clothing (ukay-ukay) at iba pang kalakal tulad ng inkjet glossy paper, yoga mat, wearing apparel, phone holder, various foodstuffs, air purifier, various cellphone accessories, cellphones, USB, vape, medicines, medical supplies, personal effects, at antennas.

Ang consignee ay idineklara sa kanyang shipment bilang Xueya brand paper products, Blue King brand led light strip, Medial brand yoga mat, Wellone Brand wearing apparel, at Topo brand phone holder. At paglabag ay nangyari noong 19 ng Oktober 2020 sa MICP.

Ang pangatlong kinasuhan ay ang GT Enterprise para sa “alleged smuggling” ng 5 shipments na deklarado bilang 6,060 cartons ng ceramic kitchenware, subalit nakitang kargado ng 9,102 cartons ng Banma mosquito coils, 218 cartons ng kitchen wares dinnerware, at 50 pcs banma mosquito empty cartons.

Ang paglabag ay nangyari noong nakaraang 19 ng Agosto 2020 sa Port of Cagayan de Oro.

Nakilala ang consignees at kanilang Licensed Customs Brokers na may paglabag sa Republic Act No. 10863, o mas kilala sa tawag bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA); Republic Act No. 4653 o ang “An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags”; Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2014-0038 o ang Rules and Regulations Governing Household/Urban Pesticides Licensing of Establishments and Operators, Registration of Their Products and for Other Purpose; at Article 172 na may kaugnayan sa Article 171 ng Revised Penal Code, as amended.

Kaugnay nito, ang BOC ay nagbabala sa walang prinsipyong importers na talamak na mali ang deklarasyon ng kalakal na nagdaraya sa buwis ng gobyerno.

Ganun din ang importa­s­yon ng ipinagbabawal na kalakal maging ang used clothing o ukay-ukay na ma­a­aring makapaminsala sa publiko.

Sa kasalukuyan, may 112 mga kaso ang nasampahan na ng kaso sa DOJ laban sa importers at customs brokers sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
(Joel O. Amongo)

65

Related posts

Leave a Comment