KALAKALANG PH-HUNGARY PALALAKASIN

SA hangaring palawakin ang merkado ng mga produktong gawang Pinoy, agresibong isinusulong ng Bureau of Customs (BOC) ang pinaigting na kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Hungary.

Sa pagbisita kamakailan ni Hungarian Ambassador Titanilla Tóth at Consul Balazs Ratkai sa tanggapan ni Commissioner Bienvenido Ruiz, tampok sa naganap na usapan ang pagpapalawig ng ugnayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary sa ilalim ng mekanismong ‘go­vernment-to-government trade facilitation program.’

“Part of our initiatives to drive the growth of our economy is securing partnerships to improve Customs control and international trade facilitation. With these collaborations, we are able to develop sustainable goals, policies, and programs that are beneficial for stakeholders here and abroad,” ani Commissioner Rubio.

Pagtitiyak ng BOC chief, patuloy rin ang implementasyon ng mga reporma sa kawanihan sa hangaring pataasin ang antas ng nakokolektang buwis at taripang kalakip ng mga lumalabas at pumapasok na kargamento mula sa ibang bansa.

Kasabay rin aniya ng malusog na kalakalan ang mga hakbang kontra katiwalian, sa pakikipagtulungan ng Department of Justice. (BOY ANACTA)

121

Related posts

Leave a Comment