SUNOD-SUNOD ang isinagawang meeting ni Bureau of Customs (BOC) Port of Subic District Collector Maritess Martin sa mga stakeholders sa puerto sa pagpasok ng taong 2020.
Sinabi ni Martin, layon ng kanyang halos linggo-linggong pakikipagpulong sa mga negosyante ay upang mas lalong mapaganda at mapatatag ang koleksyon para sa kasalukuyang taon.
Kabilang sa mga nakausap n ani Martin ay sina Henry Dungca ng SBITC, Luz De Guia ng Keihin at Resty Zapanta ng Prime Global.
Maging ang mga kinatawan ng iba’t ibang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na kinabibilangan nina Primitivo Napenas (PEZA-Hermosa), Allan Datahan (PEZA-Baguio) at Sally Carpio (PEZA-Subic) at pawang nakapulong n ani Martin.
Ayon kay Martin, ang susi sa matagumpay na koleksyon ay ang pakikipag-ugnayan sa stakeholders upang malaman kung nasisiyahan ba sila sa serbisyong ibinibigay ng Puerto at mga kawani nito.
Kapag nagkakaintindihan, paliwanag ni Martin, tiyak na magkakaroon ng pagtutulungan sa ikagaganda ng kalakaran sa kagawaran.
Ang Port of Subic ay isa sa may malaking mag-ambag ng kita sa kabuuang koleksyon ng BOC. (Jo Calim)
230