Mga kasador, kasabwat aalamin BARKO, 7K MT ASUKAL SILAT

ALINSUNOD sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumpiskado sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra agri-smuggling ang isang barkong sa aktong pagpupuslit ng asukal sa bansa.

Ayon sa kawanihan, isang timbre ang kanilang natanggap mula sa kanilang impormante hinggil sa paglalayag ng MV Bangpakaew na kargado ng tinatayang asukal 140,000 sako (katumbas ng 7,000 metric tons) ng asukal.

Sa imbestigasyon, lumalabas na ang naturang barko ay naglayag mula sa bansang Thailand patungo sa Pilipinas para magdala ng asukal na pasok sa kategorya bilang Reserved Sugar Bottlers’ Grade ng Sugar Regulatory Administration (SRA) – batay na rin sa Sugar Order No. 3, series of 2021-2022.

Karaniwang ginagamit ang naturang klase ng asukal sa paggawa ng softdrinks.

Nang matanggap ang spot report hinggil sa pagkasabat ng barko, agad namang nag dispatsa ng imbestigador sa Port of Subic ang Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) para mangalap ng ebidensyang nakatakdang gamitin ng BOC Action Team Against Smugglers (BATAS) sa pormal na paghahain ng kaso.

Disyembre ng nakaraang taon nang Mahagip ng Port of Subic ang P28.46-milyong halaga ng asukal.

Sa isang pahayag, tiniyak ng pamunuan ng Port of Subic ang mas agresibong pagba­bantay sa naturang pwesto bilang tugon sa direktiba ng BOC chief. (JO CALIM)

7

Related posts

Leave a Comment