Mga kumpiskadong agri-products SIBUYAS, CARROTS PATABA NA LANG SA MGA SAKAHAN

MISTULANG pataba na lang sa mga lupang sakahan ang P15-milyong halaga ng mga agri-products na laman ng limang 40-footer containers na nasabat ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao International Container Terminal Services, Inc. (MICTSI).

Sa kalatas ng tanggapan ng ahensya, tanging lagda na lang ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang hinihintay ng MICTSI para tuluyan nang gilingin at ibaon sa lupa ang laksa-laksang sibuyas at carrots na nasabat ng kanilang tanggapan.

Ayon kay information  officer Cris Angelo Andrade  ng BOC-Region 10, nakatakdang wasakin ang mga smuggled agri-products sa Phividec Compound sa bayan ng Tagoloan sa Misamis Oriental.

Aniya, inirekomenda na rin ni District Collector Atty. Elvira Cruz sa pamunuan ng BOC ang agarang pag-iisyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) na nagsisilbing hudyat para idispatsa ang mga naturang kargamento.

Sa datos ng ahensya, taliwas sa idineklarang lebadura ang laman ng mga nahagip na kargamentong inangkat umano ng Primex Export and Import Producer mula sa  bansang Tsina.

“Contrary to its declaration, the shipments were found to contain red onions, white onions, and carrots which is a clear violation of Republic Act 10863 of the Customs Modernization and Tariff Act for misdeclaration of goods,” ayon pa sa BOC.

57

Related posts

Leave a Comment