NAKUMPISKANG SHABU SINURENDER SA PDEA

SA hangaring tiyakin, ‘di na madagdagan pa ang buhay na masisira bunsod ng pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, agad na isinalin ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark) sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinata­yang P2.48-milyong halaga ng nasabat na droga mula sa bansang Nigeria isang buwan na ang nakaraan.

Batay sa rekord ng BOC-Clark, Nobyembre 19 nang mabulilyaso ng mga alistong operatiba mula sa nasabing distrito (kasama ang PDEA) ang shabu na tinago sa kargamentong idineklara bilang air, oil at fuel filters na gamit sa mga sasakyan.

Sa isinagawang inspeks­yon gamit ang mga X-ray scanner ng BOC at K-9 sweeping ng PDEA, nabulilyaso ang tangkang pagpapalusot ng nasa P360 gramo ng shabu na isiniksik sa mga piyesa ng sasakyan.

Nang suriin ng PDEA ang kontrabando – positibong droga na siyang hudyat para sa kagyat na pagkumpiska sa nadiskubreng droga.

Kasabay ng pagsasalin ng kostudiya ng mga P2.48-milyong halaga ng shabu sa PDEA, binigyang pagkilala rin ni Customs Collector John Simon ang mga kawani at ope­ratiba sa likod ng matagum­pay na pagsawata sa tangkang pagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.
(BOY ANACTA)

33

Related posts

Leave a Comment