P132-M BOTCHA, HAGIP SA MICP

KUMPISKADO sa Bureau of Customs (BOC) ang nasa P131.9 milyong halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled frozen goods na laman ng tatlong container na nakabarega sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon sa BOC, nakatanggap ng timbre mula sa isang impormante ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kaugnay ng dumating na kagamentong inangkat ng Victory JM Enterprise OPC mula sa bansang Tsina.

Nang buksan ang target na kargamento, tumambad ang mga iladong karne, na nagsilbing hudyat para sa agarang pagsamsam ng mga nadiskubreng kontrabando.

Batay sa rekord ng kawanihan, hindi na bago ang Victory JM Enterprise OPC sa bulilyaso sa mga inaangkat na kargamento. Katunayan, Disyembre 5 nang masabat ang nasa P63-milyong halaga ng frozen tofu, chicken paws, boneless beef, Vietnamese suckling pig, at beancurd skin sa apat na containers na “inang­kat” mula sa Hong Kong.

“We will file the appropriate criminal charges against the consignees as soon as the proper paperwork is done. We need to apply the fullest extent of the law against these groups,” pagtitiyak ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa isang pahayag.

“They have been making a mockery of our laws and the agency itself for believing that their modus will work every single time,” dagdag pa niya.

Samantala, hindi naman pinalusot ng mga operatiba ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport ang nasa 10.5 kilo ng mga karneng pato at baboy na bitbit ng isang Tsinong biyahero.

Giit ng kawanihan, mahigpit na ipinatutupad ang restriksyon sa pagpasok ng anomang klase ng karne mula sa bansang Tsina nang walang kalakip na “import” at “health” permits.

Katwiran naman ng Tsinong bumiyahe pa mula sa Xiamen (China) lulan ng Xiamen Airlines flight MF-819, 10.5 kilo lang naman aniya ang kanyang bitbit na karne ng pato at baboy na pasalubong diumano sa kanyang pamil­yang nakabase sa Pilipinas.

Gayunpaman, iginiit ni Dr. Karen Grande ng Bureau of Animal Industry (BAI), na kailangan pa rin ng permit ang dalang karne ng pato at baboy ng Tsino batay sa umiiral na reglamentong sadyang bina­langkas para tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan sa bansa.

Sa imbentaryo ng BOC-NAIA, 6.5 kilo ng karneng pato at apat na kilong karneng baboy ang kinumpiska mula sa dayuhang biyahero.

“Our office is still implementing the rules and regulation policy of “no import and no health permit will be confiscated at the port of entry. We are trying to protect our animal industry against the foot and mouth disease (FMD) from other countries,” ayon pa sa kawanihan.
(JOSE OPERARIO)

28

Related posts

Leave a Comment