P2.65-M COCAINE HAGIP SA TAGUIG

MATAPOS ang tagumpay sa likod ng pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Muntinlupa, agad naman nasundan ng isa pang pagsalakay kontra droga sa kalapit na Lungsod ng Taguig.

Sa pagtataya ng BOC, aabot sa P265 milyon ang ha­laga na nakumpiskang cocaine na nasamsam mula sa isang storage facility sa AFP-RSBS Industrial Park, Km. 12, East Service Road, Taguig City.

Bukod sa cocaine, nakadiskubre rin ang mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at PDEA-Intelligence and Investigation Service (PDEA-IIS) ng iba pang illegal items sa lugar, gaya ng kush, vape cartridges na may suspected marijuana oil, at iba pang paraphernalia. Nabatid na ang pagsalakay ay konektado sa joint operation kamakailan ng BOC, NICA, at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong November 18, 2022 kung saan nakumpiska nila ang may P149.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

33

Related posts

Leave a Comment