P231B, NALIKOM MULA SA BOC FUEL MARKING

MAS agresibong pagsusuri ng mga binebentang produktong petrolyo sa merkado ang inaasahang isusulong ng Bureau of Customs (BOC) sa hanga­ring ganap na wakasan ang fuel smuggling sa pagpasok ng taong 2023.

Higit pa sa kampanya kontra oil smuggling, nakapagtala rin ng tumataginting na P230.89-bilyong ganansya ang kawanihan sa isinagawang pagsusuri mula Enero hanggang Disyembre 2022 sa 17.63-bilyong litro ng mga produktong petrolyo sa ilalim ng BOC Fuel Marking Program.

Ayon sa BOC, malaking bentahe sa pamahalaan ang nasabing programang bina­langkas at ipinatutupad sa hangaring tukuyin ang mga kumpanyang nagbebenta ng mga smuggled fuel sa merkado.

Sa ilalim ng Fuel Marking Program, hinahaluan ng katangi-tanging tinta ang mga produktong petrol­yo – kabilang ang gasolina, krudo at kerosene – bilang patunay na nabayaran nang wasto sa pamahalaan ang karampatang buwis ng naturang langis.

28

Related posts

Leave a Comment