P60-M PEZA SHIPMENTS NG YOSI HULI SA BOC-MICP

HULI sa Bureau of Customs Manila International Container Port (BOC-MICP) ang two-by-forty-foot (2×40′) containers na naglalaman ng undeclared cigarettes na papunta sana sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) zone sa Cavite noong nakaraang Enero 18, 2021.

Ang nasabing subject shipment ay napag-alaman na nagmula sa China na naka-consigned sa isang YJC International Corporation at naglalaman ng plastic frames, round tubes, plastic bags, at plastic sheets.

Sa isinagawang physical examination ay natuklasan na ang aktuwal na laman ng shipment ay 1,599 ­packages ng cigarettes na may brand ng Mighty at tinatayang may market value na Php 60 Million.
Isang warrant of seizure and detention (WSD) ang inisyu laban sa shipment para sa paglabag sa Section 117, na may kaugnayan sa Section 1113 of Republic Act (RA) No. 10863 o mas kilala sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Pati na rin sa ibang may kaugnayan sa itinakdang mga alituntunin ng National Tobacco Administration (NTA) at Bureau of Internal Revenue (BIR) regulations.

Kaugnay nito, ang MICP ay nananatili sa kanilang pagbabantay sa country’s territory and economy mula sa smugglers na nasasagawa ng illegal activities na pumipinsala sa government’s interest sa ilalim ng pamumuno at patnubay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
(Joel O. Amongo)

99

Related posts

Leave a Comment